Friday, August 29, 2008

Kristine Series 10 - Franco Navarro


Kristine series #10: Franco Navarro

Dalawang buwang sanggol pa lamang si Bea nang mangako ang sampung taong gulang na si Franco Navarro sa ama niya na pakakasalan siya sa pagsapit ng ika-labing walong tag-araw. At dalawang buwan na ang nakalampas matapos ang eighteenth birthday niya. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ni Bea ay makakaharap niya si Franco Navarro upang ipatupad dito ang pangakong binitiwan.

Si Franco Navarro ay walang balak na pakasal sa kahit na kaninong babae. Pero determinado si Bea and he was holding on to his promise once upon a time.

***
Tapos ko na basahin ang Franco Navarro at masasabi kong ito ay hindi isa sa mga more creative stories ni Ms. Cecilia. Iyong sa naligo ng sabay at sa may mesa, ok iyon pero iyong ending ay a bit weak.

Pero kahit na, nag-enjoy akong nagbasa. Ginawa kong parang pamamahinga sa pagbabasa ng Harry Potter.

Paano natapos iyong kuwento, siyempre nag kasundo sina Franco at Bea, nagkatuluyan, dahil na rin sa tulong ni Lucinda. Iyon na.

Aking mga nota habang nagbabasa:

8/25/2008
Medyo nag break ako sa Harry Potter reading ko. Umuulan at ayaw kong dahil iyong libro ni My Love at baka mabasa. So I re read Kristine 10 - Franco Navarro nainumpisahan ko a makailang buwan na at hindi ko matapus-tapos.

At nagbilib ulit ako kay Madam Martha Cecilia, medyo ayus lang ang ander ng kuwento pero nung tsapter siyam na ay gumanda na.

Hindi ko pa tapos ang pagbabasa pero kailangan ko nang isulat ito at baka makalimutan ko, talagang magaling si Ms. Cecilia pagdating sa twist ad pag build ng suspense (sorry hindi ko na ma sustain ang pagta Tagalog, mahirap). Parang gusto mong malaman kung ano ang mangyayari kaya tatapusin mo na ang pagbabasa. At ito na ang gagawin ko ngayon, so see you later.

Patatawarin ba ni Franco si Bea sa paniwalang kasabwat ni Bea si Jerome para pabagsakin siya?

Siyempre oo, pero, papaano? Ano ang gagawin ni Bea para maiayos ang lahat? O si Franco ba ang gagawa ng paraan para maisaayos ang lahat?

Sa palagay ko ay si Bea ang makaka solve ng lahat ng problemang kanila ngayong pinagdadaanan, she is a strong woman, a very resourceful. Although Franco is shrewd, he is now blinded by anger and jealousy to real know what to do.

Abangan.

No comments: