Sunday, January 27, 2008

Ngiti ng Tsinita

 
Ngiti ng Tsinita
 
"huling araw ko na ngayon" sambit mo
kasabay ng marahang panlulumo ko,
hindi makapaniwalang ika'y lilisan na
at iiwan kaming malungkot at nag-iisa.
 
paupo kitang tinitigan,
nagsusumamong huwag mo kaming iwan,
ngunit alam kong buo na ang iyong pasya
at ikaw ay aalis na.
 
patayo kitang iniwan,
di pansin ang pagtawag sa'king pangalan,
malayo na ako'y dinig pa rin kita
at pinigil ang sarili na lingunin ka.
 
tanaw ko ang malayo
at ang maamo mong mukha ang nabuo,
at sa isip ko na lang manlalagi
ang iyong matamis na ngiti.
 

No comments: