Halik ng Yelo
for Liz
napamulagat ako
napamulagat ako
at hinaplos and aking pisngi,
bumalik na naman sa alaala
ang halik mo na kay lamig.
nagulat ako
nagulat ako
sa pagdampi na iyong mga labi,
ngunit lubos ang aking lungkot,
dahil sila ay salat sa init.
at ngayon,
at ngayon,
ang bakas ay aki'nang nakikita
una ay pulang-pula,
at ngayo'y nangingitim na.
heto na,
heto na,
pinapansin na ng aking mga kasama,
para raw tsikinini
talagang kailangan ko itong pa-derma.
No comments:
Post a Comment