I wrote this for a friend a few months ago.
Bago pa ito mabaon sa limot at ng ibang post ko, share ko sa inyo.
Bago pa ito mabaon sa limot at ng ibang post ko, share ko sa inyo.
I second the motion...
Masakit ang balikan ko ang nakaraan at mas masakit ang isulat ko ito, pero kailangang-kailangan, para damayan ko naman ang aking kaibigan.
Baka akala niya siya lang ang nakakaramdam ng ganoon:
Muni-Muni
ika -18 ng Setyembre 2006
sa pod ko
hindi na naman mapakali
at ikaw ay umiikot sa isip,
bakit ba di kita malimot,
ganyan ka ba talaga kalupit.
uupo, tatayo, magpapalakad-lakad,
titingin sa malayo, sa salamin haharap,
ano ba itong nasa akin,
ang ika'y iwaksi ay kay hirap.
hawak sa kamay ang mukha,
unti-unting tumulo ang aking luha,
at bigla sa isip nanariwa,
ang tagpo na sa akin ika'y nawala.
nangungusap ang iyong mga mata,
marami silang sinasabi,
ngunit ang tanging sinambit mo,
"mahal kita, ngunit ika'y di para sa 'kin".
akma kitang yayakapin,
ngunit ako at iyong pinigil,
at ikaw ay biglang tumayo,
yumuko, at sa akin ay lumayo.
at ang huli kong narinig
ay ang iyong huling paalam,
"hindi na ako babalik," sambit mo,
tumalikod, at lumakad sa kawalan.
bakit ba di kita malimot,
ganyan ka ba talaga kalupit.
uupo, tatayo, magpapalakad-lakad,
titingin sa malayo, sa salamin haharap,
ano ba itong nasa akin,
ang ika'y iwaksi ay kay hirap.
hawak sa kamay ang mukha,
unti-unting tumulo ang aking luha,
at bigla sa isip nanariwa,
ang tagpo na sa akin ika'y nawala.
nangungusap ang iyong mga mata,
marami silang sinasabi,
ngunit ang tanging sinambit mo,
"mahal kita, ngunit ika'y di para sa 'kin".
akma kitang yayakapin,
ngunit ako at iyong pinigil,
at ikaw ay biglang tumayo,
yumuko, at sa akin ay lumayo.
at ang huli kong narinig
ay ang iyong huling paalam,
"hindi na ako babalik," sambit mo,
tumalikod, at lumakad sa kawalan.
No comments:
Post a Comment